BAKIT KINSE?

Posted on Enero 31, 2007. Filed under: Asia, Filipino, inspiration, Migrant Worker, Migrante, OFW, Philippines, pilipino, pinoy, reflections, tagalog |

Hindi ito ang paborito kong numero na tinatayaan sa lotto, subalit maraming bagay sa kasaysayan ng aking buhay na maiuugnay sa numberong kinse.Kinse ang pangalan ng pangunahing Pinoy tabloid na inilabas isang buwan makalipas ang pagdedeklara ni Pang. Marcos ng martial law nuong taong 1972 at sa halagang kinse sentimos mo rin ito mabibili. Ito rin ang unang pahayagang aking natutunang basahin.

Ako ay kinse anyos ng unang ma-in-lab sa aking kaklase na si Teresita, sabi nila pers lab never dies, pero hindi sya ang aking napangasawa.

Kinse anyos pa lang ako ng unang mapasabak sa pag-inom ng kinatatakutang gin bulag at pulutang sitsaron. Ito rin ang taon na ako ay naguguluhan sa aking sarili na tila gusto mong malampasan agad ang adolescent stage upang malayo kong magawa ang mga pantasya ko sa buhay at maisakatuparan rin ang aking mga pinapangarap. Sa edad kong kinse rin sumikat ang Pinoy Rock na pinangungunahan nila Mike Hanopol, Joey Smith, Sampaguita at Maria Capra. Ito ang panahon ng talamak na bentahan ng marijuana sa mga kalye Pasay.

At ngayon, kinse anyos na akong nagtatrabaho bilang isang OFW. Malaking bahagi na rin pala ng aking buhay ang ginugol ko dito sa ME. Kaya’t sa pagkakataong ito, nais kong bigyan ng puwang sa aking blag sa pagbabalik tanaw sa aking nakaraan, kasalukuyang kaganapan at pananaw bilang migrante upang maibahagi at makapaghatid sa inyo ng mensahe sa tunay na buhay ng OFW sa aking katauhan at sa katauhan ng aking kapwa OFW na tinaguriang bagong bayani ng bansa.

KINSE anyos ang lumipas, Enero 21, 1992, ang petsa ng aking lisanin ang Maynila patungong M.E. upang hanapin ang aking kapalaran, samahan ninyo ako sa aking paglalakbay sa nakaraan.


Read Full Post | Make a Comment ( None so far )

Recently on KINSE...

Hindi Natagpuan

Paumanhin, wala ang hinahanap mo.

    Paliwanag

    Ang kwento ng isang OFW, tulad ng nakararami, ako ay nagnais na maabot ang mga pangarap sa buhay sa pamamagitan ng pangingibang bansa. Ano man ang kinahinatnan ng aking mga pangarap, nais kong iparating sa inyo ang isang bahagi ng aking buhay bilang OFW sa aking payak at tunay na pamamaraan, BOY na lang ang itawag ninyo sa akin.

    RSS

    Subscribe Via RSS

    • Subscribe with Bloglines
    • Add your feed to Newsburst from CNET News.com
    • Subscribe in Google Reader
    • Add to My Yahoo!
    • Subscribe in NewsGator Online
    • Pinakasariwang puna sa lahat ng paskil sa RSS

    Meta

Liked it here?
Why not try sites on the blogroll...

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.